I’ve been ill for years
I kept searching but cure was nowhere to find
Oxygen and syringes were tested
But just one remedy
I’m aging and dying
I cover my face with wrinkled hands
Hide and wipe my bluish grey tears
That I’ve tasted never sweet but bitter
Reduces my headache and fever
My cat-piss-smelled-blanket
Hugging me in months
Better than arms embraced
Than fingers touching my face
Than hands clung on my waist
Nights are worst
I hear drums and violins from my chest
I shut my eyelids before the sounds end
And wish to dream that I’m just dreaming
Then race with the sun in the morning
I filled my medicine drawers
With flavored tension tablets and cough syrups
They taste better than Valentine’s Day cakes
Than Anniversary cookies, than Thanksgiving turkeys
Than peach yoghurts, than vanilla ice creams
Breathing
Inhale, exhale
My heart's burning inside
And yet, the most comforting
I guess I’ll take this pill each day of my life.
Friday, December 31, 2010
Saturday, August 14, 2010
Untitled
Run fast.
'Til your feet feel nothing but air
'Til your toes get numb
'Til your eyes see nothing but emptiness
Run fast.
'Til you hear your chest screams for heartbreak
Run 'til you fall. 'Til you fail
But never forget to look behind,
to stand, to breathe,
and to leave footprints of goodness
Escape.
Escape from the ruthless shadows of yesterday
Today and tomorrow are your painkillers
Escape from the things that you want but can never have
Self is your own luxury
Escape from the solitary that slowly kills you
People are aces to find
Escape from the power of pride
Learn to pocket an insult
Escape from the endurance of perfectness and indifference
See much ugliness and hearten
Escape from the unpleasant sights that your eyes resist
Still beauty is seen when eyes are shut
Escape from prejudicial selflessness
Shatter your mirror into a million you
Run fast.
Escape.
And embrace the premonitions of your tasteful future
Then pierce yourself and continue breathing.
Let's race.

Saturday, June 19, 2010
Life
“Sometimes life will contain you in an empty bottle.
Leave you like you’re a melting candle.
Laugh at you like you lose a battle.
Tease you
Disgrace you
Pity you
Blame you
Hate you
Kill you
Life is like that.
Cruel
Rude
Selfish
Evil
Life is like that.
Immature
Totally numb
Infallibly sad
Inevitably meaningless
Ruthless
Irresponsibly careless
Unwillingly forgiving
Life is a real pain.”
A drowning-into-extreme-insanity man uttered.
Jittering.
“Sometimes, it is.
That’s why it’s called ‘LIFE’.
But it’s not just about annoyance but patience.
Not just about hurting but painstaking.
Life is like that.
Drive it and you’ll find humps everywhere.”
The same man replied to himself.
Approving. Smiling.

Thursday, June 3, 2010
Untitled
"Kaya kayang pawiin ang pangamba na masaktang muli?
Palitan ng saya ang mga luhang kaytagal pinigil?
Mangarap na tila walang sablay na maaabot ito?
Paligayahin ang sarili na tila wala nang bukas?
Ialay ang buhay sa ngalan ng pag-ibig hanggang sa huling himlay?
Hanggang saan ang kayang arukin?
May sukat nga bang katumbas ang bawat ligaya?
O sadyang mahirap unawain ang taong ang nais lamang ay maging masaya sa paraang nais niya?"

Wednesday, May 26, 2010
Isang Tula Para Kay Kim
Kapag nakita mo itong si Kim
para bang buhay ay malayo sa takipsilim.
Mukha niya’y puno ng saya at ngiti
tila walang bahid ng pagkadalamhati.
Sa mga oras na ‘to, aking naaalala
ang mga unang buwan na siya’y aking nakilala.
Iyon ang simula ng kaniyang taon sa hayskul
kasama ang mga kaibigang kagaya n’yang cool.
Sa silid na may pisara at mga upuan
samu’t sari ang kaniyang pinamalas at natutunan.
Kabilang na ang mga kilitian at daldalan
sa mga katabing tsismisan ay pinauulan.
Sa ngayon aking pakiwari’y nakaguhit sa kaniyang mga palad
na sa liwanag ng bukas siya’y tuluyang mapapadpad.
Sapagkat sa likod ng kaniyang masayang mukha
batid ang di mabilang na mga pangarap na puso niya’y nilikha.

Lansangan
pagkuwa’y oras na
ng paghahanda
para sa pagpasok
sa eskuwela kong bulok.
lakbay mula sa bahay
hanggang sa pagsakay.
lumahok sa lansangan,
amoy ang mga taong maalinsangan.
dulot ng maghapong trabaho,
tuluy-tuloy hanggang mahapo.
habang hintay ang dyip
ingay sa paligid ay beep-beep!
tanaw ang pagkalat ng dilim
na nais magsilbing lilim.
kalahating oras nang narito.
nakatayo sa lansangang ito.
wala pa ring masakyan.
ang lahat ay punuan.
sa ilang saglit pa’y naglakad.
hanap kahit na dyip na makupad.
nang biglang humagupit
sa aking leeg ang sakit.
sinundan ko ng tingin
ang lalaking matulin.
tangan na ang kuwintas
na kaniyang pinigtas.
ng paghahanda
para sa pagpasok
sa eskuwela kong bulok.
lakbay mula sa bahay
hanggang sa pagsakay.
lumahok sa lansangan,
amoy ang mga taong maalinsangan.
dulot ng maghapong trabaho,
tuluy-tuloy hanggang mahapo.
habang hintay ang dyip
ingay sa paligid ay beep-beep!
tanaw ang pagkalat ng dilim
na nais magsilbing lilim.
kalahating oras nang narito.
nakatayo sa lansangang ito.
wala pa ring masakyan.
ang lahat ay punuan.
sa ilang saglit pa’y naglakad.
hanap kahit na dyip na makupad.
nang biglang humagupit
sa aking leeg ang sakit.
sinundan ko ng tingin
ang lalaking matulin.
tangan na ang kuwintas
na kaniyang pinigtas.
Ahas
iba ang papel ko
sa mundong ito
kaygulo.
isa akong kabit.
katulad ng ilan,
bansag sa akin ay nakikiapid.
masakit tanggapin
na ang kapalaran ko’y
sa palad nakadiin.
mahirap isipin
na ang bagay na ito’y
aking kinikimkim.
hindi ba dapat ako din,
ay may matawag na ‘akin’?
lungkot ay namumutawi
sa mukha kong
minsan ay may ngiti.
sawi ang nangingibabaw
sa puso kong
tubig ay sinlinaw.
pighati ang kapalit
sa lahat ng saya
na sa puso’y inukit.
pagod ay humahagod
sa kaluluwa kong
tuluyang nalulunod.
maulap ang paligid
dulot ng usok
na mula sa aking dibdib.
bahay nito’y tila yungib
sagana sa bulaklak
pati din sa talahib.
mauugong na sigaw
humihiyaw ang damdaming bigo
saan ko matatagpuan
ang paraiso ng kaligayahan?
ito ang papel ko.
sa paglakad ay
parating nakatungo.
at nililingon bawat
nalampasang
hapding bumabakat.
isa-isang iniiyakan
ang kabanata
ng aking nagdaan.
kailan magbabago
ang pahina ng buhay ko?
kailan ang wakas ng siphayo
ng malungkot na kuwento?
saan hihimlay
ang lason na sa akin ay papatay?
saan magwawakas
ang papel ko bilang ahas?
kailan mapipinid
ang pag-ibig kong nakikiapid?
sa mundong ito
kaygulo.
isa akong kabit.
katulad ng ilan,
bansag sa akin ay nakikiapid.
masakit tanggapin
na ang kapalaran ko’y
sa palad nakadiin.
mahirap isipin
na ang bagay na ito’y
aking kinikimkim.
hindi ba dapat ako din,
ay may matawag na ‘akin’?
lungkot ay namumutawi
sa mukha kong
minsan ay may ngiti.
sawi ang nangingibabaw
sa puso kong
tubig ay sinlinaw.
pighati ang kapalit
sa lahat ng saya
na sa puso’y inukit.
pagod ay humahagod
sa kaluluwa kong
tuluyang nalulunod.
maulap ang paligid
dulot ng usok
na mula sa aking dibdib.
bahay nito’y tila yungib
sagana sa bulaklak
pati din sa talahib.
mauugong na sigaw
humihiyaw ang damdaming bigo
saan ko matatagpuan
ang paraiso ng kaligayahan?
ito ang papel ko.
sa paglakad ay
parating nakatungo.
at nililingon bawat
nalampasang
hapding bumabakat.
isa-isang iniiyakan
ang kabanata
ng aking nagdaan.
kailan magbabago
ang pahina ng buhay ko?
kailan ang wakas ng siphayo
ng malungkot na kuwento?
saan hihimlay
ang lason na sa akin ay papatay?
saan magwawakas
ang papel ko bilang ahas?
kailan mapipinid
ang pag-ibig kong nakikiapid?
Kawalan
sa gitna ng karagatan
aking binabaybay
ang katahimikan ng isipan.
kasabay ng mapupusok
na mga alon ang aking
pusong naghihimutok.
tanaw ko rin ang maulap
na kalangitan na tila
nagsasabing ako'y sumuko
na sa pag-apuhap.
matapos ang ilang sandali'y
agad kong napansin ang biglaang
pagpupumiglas ng aking damdamin.
nais kumawala. nagngingitngit.
maya-maya pa'y
nagtalo ang aking isip at puso.
anong aking magagawa
kung nangingibabaw pa din ang saya.
kung patuloy na umaasang ang dilim
ay mapapalitan din ng liwanag.
magtitiis kahit gaano katagal?
ngunit paano kung sumidhi ang kapaguran?
hindi ko alam. bahala na si batman.

Nu Yir Ni Kulas
pansit
piniritong isda
isang balot ng chicharon
teysti bred
apol at oreynges
h2o
ilang basong may disenyo
at pinggang may mukha ni santa klaws
bote ng alak
isang tasa ng mani
maliit na mesa
tatlong silyang gumegewang
limang lusis sa tabi ng pasong yakap ay lantang halaman
Sapat na ang mga ito
para sa pagsalubong
sa panibagong taon
at sa amaing mainitin ang ulo.
Salat man sa masesebong pagkain,
prutas ay kulang man sa bilang,
puno man ng hinagpis,
at sagana sa nangingilid na luha,
takot mang harapin ang bukas,
at sa liwanag nitong ipamamalas,
Hahanapin pa rin ang puso ng pag-asa.
Ang simula at walang hangganan nito.
Malango man sa alak,
patuloy pa ring babangon,
titindig nang matikas
at magpapanggap na malakas.

Monday, May 10, 2010
Eksam (Para sa JRU HS Batch '08)
oras na ng klase.
papasok.
uupo.
yuyuko.
bubulong.
tutungo.
handa na.
hawak ang papel at bolpen.
isusulat ang pangalan.
simula na.
tagaktak ang pawis.
nginig ang kamay.
antalang mukha.
kabog ang dibdib.
tapos na ang eksam.
ipapasa ang papel.
itatago ang bolpen.
oras na ng paglabas.
mag-iisip.
mahirap ang eksam.
papasa kaya o
ipapasang awa?
papasok.
uupo.
yuyuko.
bubulong.
tutungo.
handa na.
hawak ang papel at bolpen.
isusulat ang pangalan.
simula na.
tagaktak ang pawis.
nginig ang kamay.
antalang mukha.
kabog ang dibdib.
tapos na ang eksam.
ipapasa ang papel.
itatago ang bolpen.
oras na ng paglabas.
mag-iisip.
mahirap ang eksam.
papasa kaya o
ipapasang awa?
Pagkahapo
Madilim ang paligid
At hangin ay umaaligid.
Winawasiwas ang dahon
At bumubuo ng alon.
Sa aking katauhan
At sa pagod na kaisipan.
Maikukubli ba
Ang libu-libong pangamba?
Maisasantabi kaya
Ang di mabilang na mga luha?
Ako’y alipin ng pagmamahal
Ako’y isang malaking hangal
Ang bibig ko’y laging may busal
Puro panawagan na lang at dasal.
Alipin ako ng buhay
Pagod na ako sa pagkulay.
Ayaw ko nang maglakbay
Sa daanang walang humpay
Sadyang ganito ako
Walang mahanap na totoo
Salat sa ngiti ng pangako
Andap na at hapung-hapo.
At hangin ay umaaligid.
Winawasiwas ang dahon
At bumubuo ng alon.
Sa aking katauhan
At sa pagod na kaisipan.
Maikukubli ba
Ang libu-libong pangamba?
Maisasantabi kaya
Ang di mabilang na mga luha?
Ako’y alipin ng pagmamahal
Ako’y isang malaking hangal
Ang bibig ko’y laging may busal
Puro panawagan na lang at dasal.
Alipin ako ng buhay
Pagod na ako sa pagkulay.
Ayaw ko nang maglakbay
Sa daanang walang humpay
Sadyang ganito ako
Walang mahanap na totoo
Salat sa ngiti ng pangako
Andap na at hapung-hapo.
Himagsik
Ang lahat ay alipin.
Ikaw at ako, tayo’y mga alipin.
Alipin ng dilim, lungkot at pag-ibig.
Alipin ng pag-asang palaging umid.
Inaapi at pilit na katauha’y ibinabaon at niyuyurakan.
Inaapi at puwersahang dinudurog sa bawat hagupit ng hamog.
Binibitin ng patiwarik ang di maliwanagang utak
Habang ang katawa’y palaging sinasaksak.
Nilalamon ng sanlibutang panghuhusga ang dignidad
At hinihila ang kahihiyan hanggang sa magka-edad.
Dinidikdik ang hapong katawan.
Ang trabaho’y walang hangganan.
Itinatapon ang sariling kaluluwa
Na wari’y walang pagpapahalaga.
Binabalewala ang natutunang kaalaman.
Sa pagbebenta ng kaisipan at karunungan.
Ang lahat ay sadyang tunay na iisa.
Mga alipin, tayo’y magsama-sama!

Batang Kalabaw
Sa isang maliit na sulok ng mundo,
Isang grupo ng mga paslit ang nabuo
Na tinalikuran ang pananabik sa paglalaro
Kapalit ang pagbabanat ng buto
At baryang labindalawang piso
Pambili ng kendi at isang pandicoco.
Sa uma-umagang tatlong oras na paglalakbay
Sa masikip at maputik na daan sa bundok ay binabaybay
Habang ang mga tablang nagapas ay kaday-kaday
At nakasapin sa kanilang barong sa putik ay nagkakulay.
Di alintana ang hirap na sa kanilang katawan ay kumakatay
Kahit pa sakit o kamatayan ay unti-unting sumisilay.
Kahit na mga luha sa mata nila’y nangingilid,
Dulot ng pagkahapo na tuluy-tuloy na inihahatid,
Puspusan pa rin ang pagpasan sa mukha’y mababatid.
Ang mga gasgas at sugat ay hindi na pansin at lingid,
Ang mahalaga’y mga piye-piyeng kahoy ay maitawid
Upang kumita at mairaos ang kalamnang sa gutom ay umid.
Ano nga ba ang tumatakbo sa kanilang kamalayan?
Ang malampasan ang pang-araw-araw na kahirapan
O ang hitsura ng paaralan at mga silid-aralan?
Ano kaya ang kanilang iniisip habang nasa higaan
At ipinapahinga ang pagud na pagod nilang musmos na katawan?
Ang naising iwan ang nababalot ng dilim na tahanan
O ang pangarap na sana sila’y ampon na lamang?
Ano nga kaya ang naglalaro’t nangungulit sa kanilang isipan?
Marahil ay ang ngumiti na kaytagal nang kinalimutan.
Marahil ay isang buo at masaganang pamilya sa harap ng hapag-kainan.
Marahil ay ang liwanag na inaasam-asam, na ni minsa’y di pa nakamtan.

Wakas (A poem for a former student who is now in pain)
Kaytagal kong ikinulong ang sarili sa galit at kalungkutan
Aking nakaraan ay pilit na nilabanan ngunit unti-unti ring tinalikuran.
Naging alinlangan ang isipan na magmahal at buksang muli ang puso
Sa kabang makatagpo at masawing muli ng isa sa mga tuso.
Ngunit matapos ang aking pagkurap, agarang umikot ang mundo.
Matapos humilagpos ang ilang pagkakataon sa paglipas ng panahon
Habang puso’y nakalugmok sa lumipas na hapdi at iba’t ibang hamon.
Unti-unti kong hinugot ang tapang mula sa samu’t saring emosyon.
Ngayon ay natutunan ko ang tuluyang magpatawad
At lumayo sa pagkukunwari at damdaming huwad.
Kaysarap ng pakiramdam at kayluwag sa kalooban.
Para bang ako’y handa na naman sa panibagong pakikipaglaban.
Pakuwari ko’y naisalba ko ang aking bukas
At natanggap na ang maraming bagay sa mundo ay may wakas.

Sunday, May 9, 2010
Pagbangon
“Bakit ang isang robot maaring bigyan ng kakayahan
na maging sunud – sunuran?
Pero bakit ang isang nilalang ay di maaring gawan
ng isang pusong likha sa makina upang maturuan?
Bakit ang isang chip sa kompyuter ay nadidiktahan
at may kapangyarihang burahin ang iyong nasimulan?
Pero bakit ang taong nagpupumilit sa kasiyahan
ano man ang gawin nito’y di mabago ang kapalaran?”
Minsan kailangang magpumiglas at magbuhos ng lakas
upang ang bawat dikta ng pagkakataon ay kumaripas.
Dahil ang panahon ay patuloy na umuusad
at kung ika’y makupad, iiwan ka nitong nakasadsad.
Paikutin man sa mga palad ang damdamin
sa dulo’y mga luha pa rin ang makikita sa harap ng salamin.
Na tila kawangis ng walang hangganang hinagpis
dulot ng pagpaparaya at masalimuot na pagtitiis.
“Bakit ang orasan, kayang pigilin at pahintuin
sa anumang oras na iyong naisin?
Pero bakit ang yugto ng buhay ng isang naghihirap
ay di kayang ibalik ang mga ligayang minsa’y nalasap.
Bakit ang musika’y maaring mabago ang himig
at maikubli sa puso ng sinumang nakaririnig?
Ngunit bakit ang sakit, lumipas man ang maraming taon
ay nananatili ang hapdi habang ito’y sa limot ibinabaon?”
Madalas, buksan mo man ang pinto ng puso
sa huli’y sisipain kang palabas na tila ika’y isang tuso.
Ganito rin ang pag-ibig, sa simula ay langit
sa dulo’y mapapaso ka sa humahagupit na init.
Naisin mang makamit ang libu – libong hiling,
mamamasdan pa rin ang mga ito na nakalibing.
Tila isang giyera’t madugong pakikipaglaban
maisakatuparan lamang ang pangarap na isang kaban.
“Bakit ang mga numero’t letra sa alpabeto
maaring isulat at bigkasin nang walang pagkalito?
Naunit bakit ang mga salitang, “di kita iiwan” at “mahal kita”
sa huli’y naibibigkas na lamang na “paalam na”?
Bakit ang siyensiya, medisina at sari – saring uri ng tableta,
kayang pawiin ang sakit ng ulo at katawang nabahala?
Ngunit bakit walang naimbentong gamot o panlunas
para sa mga pusong sa ngalan ng pag – ibig ay nagasgas?”
Minsan mas nararapat ang tatag ng prinsipyo
upang maganap ang pagdurog sa tikas ng siphayo.
Sapagka’t ang tiwala at respeto sa sarili lamang
ang maaring bumuo ng nabuwag na lakas at tapang.
Madalas, kinakailangang bumangon mag – isa
at patuloy na mangarap kasabay ng mga luha.
Sapagkat sa buhay na masalimuot ang mga daan at kabanata,
tanging tibay ng loob at pagmamahal sa sarili ang mga sandata.

The Sense of Human
You created me
and built my personality.
You dressed me
and bought my body.
Now you sold me
in exchange of a fee.
Yes, he bought me
like a second hand tee.
He recreated me
and rebuilt my personality.
He taught me the A-B-C
and also 1-2-3.
He helped me to get out of poverty.
Moulded me with dignity.
Now my brain is no longer empty.
So watch out and you will see.
Now, i have my policy:
To buy you easily.
I will pull you out of your liberty
and put you in the cradle of slavery.
and built my personality.
You dressed me
and bought my body.
Now you sold me
in exchange of a fee.
Yes, he bought me
like a second hand tee.
He recreated me
and rebuilt my personality.
He taught me the A-B-C
and also 1-2-3.
He helped me to get out of poverty.
Moulded me with dignity.
Now my brain is no longer empty.
So watch out and you will see.
Now, i have my policy:
To buy you easily.
I will pull you out of your liberty
and put you in the cradle of slavery.
Whispers Are Forever
love is untrue
It is blind and blue
plenty of dullness
full of darkness
love loses it wings
the voice that sings
the power to fly
to reach the high sky
whisper the pain
to the pouring rain
whisper the sadness
to the wind unrest
the day is dying
the light is flickering
sunset is done
lights are gone
tomorrow will come
with no joy and fun
for there is prowess
of true loneliness
whisper the solitary
to the silence of the sea
whisper the fear
to the sky that can't hear
whisper the love's injustice
to the deafness of time
whisper the love's cruelty
to the world of fantasy
whisper the depth of pain
whisper the hope in chain
whisper the death of love
whisper the wounded and bleeding heart
It is blind and blue
plenty of dullness
full of darkness
love loses it wings
the voice that sings
the power to fly
to reach the high sky
whisper the pain
to the pouring rain
whisper the sadness
to the wind unrest
the day is dying
the light is flickering
sunset is done
lights are gone
tomorrow will come
with no joy and fun
for there is prowess
of true loneliness
whisper the solitary
to the silence of the sea
whisper the fear
to the sky that can't hear
whisper the love's injustice
to the deafness of time
whisper the love's cruelty
to the world of fantasy
whisper the depth of pain
whisper the hope in chain
whisper the death of love
whisper the wounded and bleeding heart
The Prisoner In Me
my soul is thirsty of freedom
to wash away hatred
to veil darkest past
to hide sorrows and tears
and to kiss a broken heart
but how could i
if my hands are tied
and my eyes are blindfolded?
life has never brought me excitement
sometimes its full of selfishness
shatters dreams
chaotic in nature
unfair and unjust
confusing, annoying
deceiving, dying
like a light, flickering
i've never stopped dreaming
to bring back life
to find the lost me
to search once again
the colors of my rainbow
but i'm getting tired
turning to be the weakest
most hopeless, forgotten
if only i could purchase happiness
i'll splurge my self
roll and sleep over it
share it, give it for free
but reality saddens me
that joy is selfishly hidden
locked in greedy minds
labeled not for sale
i'm still blindfolded
with tied hands
still a prisoner of hatred
a dreamer
tired and weak
searching for my rainbow
and yes, i can still love my self
just to somehow, satisfy my thirst.
to wash away hatred
to veil darkest past
to hide sorrows and tears
and to kiss a broken heart
but how could i
if my hands are tied
and my eyes are blindfolded?
life has never brought me excitement
sometimes its full of selfishness
shatters dreams
chaotic in nature
unfair and unjust
confusing, annoying
deceiving, dying
like a light, flickering
i've never stopped dreaming
to bring back life
to find the lost me
to search once again
the colors of my rainbow
but i'm getting tired
turning to be the weakest
most hopeless, forgotten
if only i could purchase happiness
i'll splurge my self
roll and sleep over it
share it, give it for free
but reality saddens me
that joy is selfishly hidden
locked in greedy minds
labeled not for sale
i'm still blindfolded
with tied hands
still a prisoner of hatred
a dreamer
tired and weak
searching for my rainbow
and yes, i can still love my self
just to somehow, satisfy my thirst.
Spring
I never gave up in every scuffle I adhere
For I know that there are promises to fulfill.
I never surrendered in wars I condemn
Because I know that there are dreams to open.
Time tested my strength and bravery
But I never fell on my knees and got weary.
For many times, worries continued to deceive me
But hopes were there to encourage me.
Immeasurably, reality and truth haunted my soul
But my faith was there to achieve affection’s goal.
Thousands of faces of joy were pretended
But my will had never stranded.
There was love, which swore to stay beside
But promise was neglected and chose to set behind.
In a split second I felt I was totally on my own.
Then I realized that my life is a real solemn.
From then on, I learned to shed a tear
And embraced the heat of anger and fear.
But this is my fight.
With power and courage
I was forced to supply my mind with knowledge
I discovered that this is a never-ending reality.
With all the twists and turns, my soul never gave up.
Confusions start to veil.
Bravery and optimism are more intensified.
The good-fighter-feeling is unstoppable.
Yesterday’s life was an autumn. Today is its spring.

Modern Warriors
US strikes against Iraq
With prepared big tanks,
Newly invented ammunitions, and bombs
Each reloads second hand guns
Aims to win every battle
All ready for a war
A tooth for a tooth
An eye for an eye
What they believe in
Is of one’s pride to win
For to conquer is a victory
And to revenge is immortality
They carry ammunitions
Marching before the eyes of the nation
Wearing black headdresses
To show that they need no caress
To prove that they have great prowess
To save the country under suppress
Saddam Hussein supports the fighters
Offers great deals to his warriors
Promises to honor one’s decision
To protect him and his dying nation
Commemorates courage and bravery
Of soldiers chinned-up and no weary
They have put their lipstick on
Applied a very light face foundation
Coated their fingernails with red nail polish
And made it sure that it won’t easily vanish
They have kept their stilettos
And wore boots to defeat their foes

End of The Day
I feel complete, yet alone.
I see heaven, yet burdened.
I've seen what I wanted, but was taken for granted.
I've found eternity and realized it was killing me.
I caught myself at the end of the road but still was looking for a ravine.
I stood before a hundred goodbyes and was welcomed by blue.
I continued to search for falling leaves but they were always out of sight.
Maybe they've gone to the river and were swallowed by unexpected flickering light.
I embraced the wind but soon it strangled and left me.
I looked around.
I stopped and remained still.
Then, I was surrounded by dying promises and fulfilled defeats.
I was watched by laughing lies and failures.
Then rain appeared and showered me with emptiness.
My tears were irresistible, yet invisible.
I fell on my knees.
Bowed and clasped my hands.
closed my eyes and just let my senses led me to tolerance.

Enemies
Selfishness is intricate to understand.
Ruins one’s life but terrified to mug it.
Hurts your pride but accepts with no resistance.
Leads to disgrace but lovers embrace.
Populace is afraid to realize life’s inevitability.
Scared to wrestle the innocence of incessant cruelties of fate.
Trembling to sense the anger of uncertainty and disparity.
Rising folly kept within self, never revealed.
Yelling voices refused to be heard by powers.
Leaping grievance in the eyes of a cold-hearted.
Betrayal was unleashed for self-worth.
Confessions were uttered to satisfy jealousy.
Illusions in psyche are treasures, protected.
Affection was deserted by showers of envy.
Clever gestures accelerated soul’s wrath.
Solitary is the last option in hand.
To be unaccompanied is the last option one can choose,
The best alternative to be the victor.
Is solitary the best ammunition?
Yes. For many, it is.
Brings anger to solemnity and tranquility.
Pride to clemency and leniency.
Reservations to organization.
Bitterness to acceptance.
Minds will be more undisturbed
Souls will be in peace and stillness.
Hearts will instigate to stop weeping.
Wilderness will go back to its incorruptibility.
Similar to a new born baby in earth’s sensation.
Akin to a sunrise freshly witnessed by the naked eye.
Resembling to a smile perfectly painted in one’s face.
Like a rainbow from yesterday’s making.

Subscribe to:
Posts (Atom)