oras na ng klase.
papasok.
uupo.
yuyuko.
bubulong.
tutungo.
handa na.
hawak ang papel at bolpen.
isusulat ang pangalan.
simula na.
tagaktak ang pawis.
nginig ang kamay.
antalang mukha.
kabog ang dibdib.
tapos na ang eksam.
ipapasa ang papel.
itatago ang bolpen.
oras na ng paglabas.
mag-iisip.
mahirap ang eksam.
papasa kaya o
ipapasang awa?
Monday, May 10, 2010
Pagkahapo
Madilim ang paligid
At hangin ay umaaligid.
Winawasiwas ang dahon
At bumubuo ng alon.
Sa aking katauhan
At sa pagod na kaisipan.
Maikukubli ba
Ang libu-libong pangamba?
Maisasantabi kaya
Ang di mabilang na mga luha?
Ako’y alipin ng pagmamahal
Ako’y isang malaking hangal
Ang bibig ko’y laging may busal
Puro panawagan na lang at dasal.
Alipin ako ng buhay
Pagod na ako sa pagkulay.
Ayaw ko nang maglakbay
Sa daanang walang humpay
Sadyang ganito ako
Walang mahanap na totoo
Salat sa ngiti ng pangako
Andap na at hapung-hapo.
At hangin ay umaaligid.
Winawasiwas ang dahon
At bumubuo ng alon.
Sa aking katauhan
At sa pagod na kaisipan.
Maikukubli ba
Ang libu-libong pangamba?
Maisasantabi kaya
Ang di mabilang na mga luha?
Ako’y alipin ng pagmamahal
Ako’y isang malaking hangal
Ang bibig ko’y laging may busal
Puro panawagan na lang at dasal.
Alipin ako ng buhay
Pagod na ako sa pagkulay.
Ayaw ko nang maglakbay
Sa daanang walang humpay
Sadyang ganito ako
Walang mahanap na totoo
Salat sa ngiti ng pangako
Andap na at hapung-hapo.
Himagsik
Ang lahat ay alipin.
Ikaw at ako, tayo’y mga alipin.
Alipin ng dilim, lungkot at pag-ibig.
Alipin ng pag-asang palaging umid.
Inaapi at pilit na katauha’y ibinabaon at niyuyurakan.
Inaapi at puwersahang dinudurog sa bawat hagupit ng hamog.
Binibitin ng patiwarik ang di maliwanagang utak
Habang ang katawa’y palaging sinasaksak.
Nilalamon ng sanlibutang panghuhusga ang dignidad
At hinihila ang kahihiyan hanggang sa magka-edad.
Dinidikdik ang hapong katawan.
Ang trabaho’y walang hangganan.
Itinatapon ang sariling kaluluwa
Na wari’y walang pagpapahalaga.
Binabalewala ang natutunang kaalaman.
Sa pagbebenta ng kaisipan at karunungan.
Ang lahat ay sadyang tunay na iisa.
Mga alipin, tayo’y magsama-sama!

Batang Kalabaw
Sa isang maliit na sulok ng mundo,
Isang grupo ng mga paslit ang nabuo
Na tinalikuran ang pananabik sa paglalaro
Kapalit ang pagbabanat ng buto
At baryang labindalawang piso
Pambili ng kendi at isang pandicoco.
Sa uma-umagang tatlong oras na paglalakbay
Sa masikip at maputik na daan sa bundok ay binabaybay
Habang ang mga tablang nagapas ay kaday-kaday
At nakasapin sa kanilang barong sa putik ay nagkakulay.
Di alintana ang hirap na sa kanilang katawan ay kumakatay
Kahit pa sakit o kamatayan ay unti-unting sumisilay.
Kahit na mga luha sa mata nila’y nangingilid,
Dulot ng pagkahapo na tuluy-tuloy na inihahatid,
Puspusan pa rin ang pagpasan sa mukha’y mababatid.
Ang mga gasgas at sugat ay hindi na pansin at lingid,
Ang mahalaga’y mga piye-piyeng kahoy ay maitawid
Upang kumita at mairaos ang kalamnang sa gutom ay umid.
Ano nga ba ang tumatakbo sa kanilang kamalayan?
Ang malampasan ang pang-araw-araw na kahirapan
O ang hitsura ng paaralan at mga silid-aralan?
Ano kaya ang kanilang iniisip habang nasa higaan
At ipinapahinga ang pagud na pagod nilang musmos na katawan?
Ang naising iwan ang nababalot ng dilim na tahanan
O ang pangarap na sana sila’y ampon na lamang?
Ano nga kaya ang naglalaro’t nangungulit sa kanilang isipan?
Marahil ay ang ngumiti na kaytagal nang kinalimutan.
Marahil ay isang buo at masaganang pamilya sa harap ng hapag-kainan.
Marahil ay ang liwanag na inaasam-asam, na ni minsa’y di pa nakamtan.

Wakas (A poem for a former student who is now in pain)
Kaytagal kong ikinulong ang sarili sa galit at kalungkutan
Aking nakaraan ay pilit na nilabanan ngunit unti-unti ring tinalikuran.
Naging alinlangan ang isipan na magmahal at buksang muli ang puso
Sa kabang makatagpo at masawing muli ng isa sa mga tuso.
Ngunit matapos ang aking pagkurap, agarang umikot ang mundo.
Matapos humilagpos ang ilang pagkakataon sa paglipas ng panahon
Habang puso’y nakalugmok sa lumipas na hapdi at iba’t ibang hamon.
Unti-unti kong hinugot ang tapang mula sa samu’t saring emosyon.
Ngayon ay natutunan ko ang tuluyang magpatawad
At lumayo sa pagkukunwari at damdaming huwad.
Kaysarap ng pakiramdam at kayluwag sa kalooban.
Para bang ako’y handa na naman sa panibagong pakikipaglaban.
Pakuwari ko’y naisalba ko ang aking bukas
At natanggap na ang maraming bagay sa mundo ay may wakas.

Subscribe to:
Posts (Atom)